Habang
umiinom ng chokolate ramdam ko ang init nito na di napapawi sa simpleng
pag-ihip lang. Ang pait at tamis nito may dinadalang larawan ng
nakaraan. Inumpisahan ko sa isang tanong..
"nagluluto ba kayo ng champorado?", haay ako talagang namimiss ko na iyong pagluluto talaga ng ganun sa Bulakan.
"Oo nman", si Kuya Rey.
"Oo nman", si Kuya Rey.
"Madalas
yan habang umuulan tapos madalas pa noon magbrown-out, doon kami kakain
malapit sa bintana yung tipong may hamog na medyo pumapasok pa sa loob
ng bahay ninyo." Parang sa kwento niya, katabi nya ako doon nakikikain
kasi ganun din mismo ang pangyayari sa alaala ko nung mga bata pa kami
ng mga kapatid ko.
dagdag nman ni Macoy, "tapos gagawa pa kami ng yema." "paulit-ulit yon hanggang ma-perfect nmin yon(ibig sabihin napatigas yung yema)."
dagdag nman ni Macoy, "tapos gagawa pa kami ng yema." "paulit-ulit yon hanggang ma-perfect nmin yon(ibig sabihin napatigas yung yema)."
Ako nman bumida ulit, "e ito, yung polboron nakagawa ba kayo nun?" tumatawa ako habang nagtatanong, naaalala ko kasi yun iyong gatas at asukal na paghahaluin mo tapos pipilitin mong magkorteng polboron gaya ng nabibili mo sa tindahan. At nasa usapang gatas nlang din lang, nagbidahan naman kami ng kung gaano kadaming pulbong gatas(halimbawa nito birtch tree o bear brand) ang pinupudpod nmin sa ibabaw ng champorado tapos kakainin nmin yon ng hindi hinahalo. Hmmm masarap talaga. Isa lang ang hindi ko masakyan hanggang ngayon, iyon yung champorado na pinaparesan ng isdang tuyo na alam kong marami sa inyo na ito ang pinagpapareha.
Paglipas ng ilan pang kwentuhan, isa pa itong eksayting na tanong ko sa kanila. Itatanong ko na din sa inyong mga nagbabasa.
"Naalala nyo pa ba yung free na chikadiz sa chiskerls?"
Si Macoy napaisip pa, pero natuwa talaga ako kasi pare-pareho kaming naalala pa iyon. O hindi mo maalala? Hindi ko din maalala iyong pangalan ng chiskerls na iyon, pero ang nasa alaala ko nasa paketeng asul at minsan pula iyon. Pero ang eksayting nga doon para sa aming mga bata noon ay iyong free na "chikadiz". Eto iyong maliit na makulay na goma, parang jelly at pa igloo ang korte. Pagibinaligtad mo ang porma at kasunod ay bibitawan ng biglaan tatalbog iyon. Heheh ang simple ng katuwaan nmin noh?.
Isa pang ipinaalala ko ay iyong tao-tauhan, minsan monster o dragon pa iyon. Jelly color din iyon na gawa sa goma. Ang sabi ng tindero kapag ibinabad iyon ng magdamag sa tubig kinabukasan lalaki ito. At para mas epektib iyong "marketing" niya, mayroong planggana na may tubig sa tabi niya. Nakalublob duon iyong tao-tauhan na aba malaki nga. At salamat kay kuya Rey nalaman ko na ngayon na yung mga ganun pla sa planggana ng tindero ay ibinabad na talaga ng ganoon kalaki. (loser).
At ang isang haylayt ng "dating-daan" nmin... humawak muna kayo sa kinauupuan niyo lalo na kung nasa edad 20-40 kayo. Sigorado kasi na ang bawat isa sa atin ay nag-alaga ng "kisses". "Alaga" kasi padadamihin mo iyon. Ilalagay mo sa bulak para manganak ng maradi. At kung gahaman ka sa pagdami ng alaga mong kisses, may teknik pa na pupolbohan mo iyong mga iyon bago ibalot sa bulak. Hindi ko lang talaga alam kung nanganganak nga ba talaga iyong mga kisses ko kasi sa sobrang dami noon hindi ko mabigyan ng oras na bilangin pa iyon. Pero sige parin ako sa pagsakay sa mga ritwal na paglalagay sa bulak.
Dumako nman kami sa larong kalye. Ngayon kasi series ng manga magazine ang sinusubaybayan ng mga kabataan. Noon iyong "text" de-numero iyon pagnapagsunod sunod mo ang bilang magkakaroon ka ng libreng kwento tungkol sa "now showing" sa mga sinehan. Kadamaikling scene nina sharon at rudy susubaybayan mo na parang komiks. Pero 'di ganoon kadaling kumpletohin iyon. Kailangan mong ilaban ng pitik sa kalye iyong mismo mong text para mapadami iyon. Malas mo kung ibang pelikula ang naibigay sayo ng kalaro mo, heheh.
At ang sad ending ng isa pang laruan ay ito. Ang dating pagulong-gulong sa kalsada o sa sahig ng bahay niyo na "jolens" ay iniimbak nlang sa magagarang plorera ngayon kasama ng bulaklak. Ito na ang nagsisilbing lupa at pandagdag palamuti sa salas niyo. Eh dati pag nakita iyon ng nanay mong nakabalandra sa salas eh binti mo ang mapapalamutian ng nanay mo dahil sa palo ng tingting.
Pang huling isasalo ko sa inyo mula sa aming kwentong dating daan: Slumbook turned Friendster. Dati matindi ang eksaytment na hulaan kung sino nga ba sa inyo ang crush ng pinaka gwapo na pinag-sagot mo sa slumbook mo. Basta sa tanung na describe him/her? ang nakasagot eh: with fair complexion, kahit sobra ka sa itim kikiligin ka pa din kasi may mataas ang lebel ng fighting spirit mo na kasama ka sa fair complexion skin. Ngayon sa friendster hulaan mo nlang sa 6 na featured friends nya kung sinu doon dahil malamang sa hindi naroon iyon. Tapos ang pinakaaabangan mong pahina sa Slumbook ay ang "dedication". Yeeheeeee for sure may 14344 doon iyong mga nagkakagustuhan at sabay e-wiwish mo pa na sana hindi iyon ma-decode ng kaeskwela mo(bwahahah)(u wish!). Sa bagong teknolohiya ngayon literal na "twinkle in your eyes" ang makikita mo dahil sa testimonial o guestbook ng inteernet account mo mayroong glitter text na nagsasabing "I miss u, love u, mwah-mwah, hugsss"...
Siguro
ang mga kabataan ngayon malaki ang bilib sa teknolohiya at
globalisasyon, dahil inangat sila nito sa lipunan at nailigtas sa "jologs" na
gawi namin noon. Pero sa lahat ng mga pinagdaanan nmin noon masasabi ko
na naging napakasaya ng kabataan ko. Kinabahan ako sa maraming
posibilidad na pagagalitan ako ng magulang ko dala ng kyoryosidad,
pinawisan at napagod sa paghahanap ng ibat ibang natatanging kulay ng kisses , umiyak dahil sa pagbaligtad ng kuya ko ngchikadiz sa
pusod ko at dumikit sa loob ng pusod iyong itim na dumi ng goma,
nasugatan sa kagat ng aso dahil sa larong kalye at wala pa nmang
glutathione soap noong araw kaya magpahanggang ngayon may iniwang marka
ng katangahan ang kagat na iyon sa kaliwang binti ko.. Pero hindi iyon
naging kakulangan para lalo akong tumibay, maging madiskarte at matiisin
at gumandang matagumpay. Heheh.
Dating daan mo rin ba ito? Kung nabibilang ka sa amin, sige nga ano ang isinagot mo sa tanong ng slumbook na who is your first love? at panu mo binibilang ang text mo?
No comments:
Post a Comment