Translate

Monday, September 22, 2014

Chicken ADOBO

Nagmamasid sa iyong harapan, 
          nagaabang sa halimuyak na dala ng kumukulo mong sabaw
Titig sa mga yapos ng apoy ng iyong palayok 
          na halintulad ng isang nagaalab na pagsinta.
Humubog man ang pawis sa init na dala mo, 
          ngunit di patinag hanggat ikaw ay matikman
At sa pagsanib ng magkasalo nating naninidhing pananabik.....


Chicken Adobo sapat lang sana 
          gaya ng dati mong alat na taglay,
Chicken Adobo sapat lang sana 
          gaya ng dati mong asim at tamis,

Ngunit heto't pikit mata na lamang nilunok ang lahat
At kahit anong pawi sa hapding iniwan sa'king dila
          namumutawi pa rin ang lamat ng huling tikim sa'yo
Tila ba'y ikaw mismo ay kinain ng alat mong labis sa timpla,
          na tila yata sanhi ng toyo mong natutuyong sabaw.

Napapatanong kung saan ako nagkulang sa gawa?
O di kaya tuluyan ka bang nalunod 
          sa luhang kanina pa dumadaloy sa'king mga pisngi
Chicken Adobo, kung mali ka o nagkamali man ako,
          sa pagsapit ng kinabukasan ikaw pa rin ang hahanap-hanapin ko.

Hindi mo lang alam.

August 22, 2014

 
You don't have any idea how i tried hard to care for you even when my heart is half broken yet you chose to break it even worse.

There's two types of men, the one that got away and the one who tries to stay but wouldn't take any effort to live up w/ this girl's simple standard. #kapalngmukha