Translate

Wednesday, April 08, 2009

Ang Dating Daan ..Namin (80's baby)


Habang umiinom ng chokolate ramdam ko ang init nito na di napapawi sa simpleng pag-ihip lang. Ang pait at tamis nito may dinadalang larawan ng nakaraan. Inumpisahan ko sa isang tanong..


"nagluluto ba kayo ng champorado?", haay ako talagang namimiss ko na iyong pagluluto talaga ng ganun sa Bulakan.

"Oo nman", si Kuya Rey. 

"Madalas yan habang umuulan tapos madalas pa noon magbrown-out, doon kami kakain malapit sa bintana yung tipong may hamog na medyo pumapasok pa sa loob ng bahay ninyo." Parang sa kwento niya, katabi nya ako doon nakikikain kasi ganun din mismo ang pangyayari sa alaala ko nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko.

dagdag nman ni Macoy, "tapos gagawa pa kami ng yema." "paulit-ulit yon hanggang ma-perfect nmin yon(ibig sabihin napatigas yung yema)."

Ako nman bumida ulit, "e ito, yung polboron nakagawa ba kayo nun?" tumatawa ako habang nagtatanong, naaalala ko kasi yun iyong gatas at asukal na paghahaluin mo tapos pipilitin mong magkorteng polboron gaya ng nabibili mo sa tindahan. At nasa usapang gatas nlang din lang, nagbidahan naman kami ng kung gaano kadaming pulbong gatas(halimbawa nito birtch tree o bear brand) ang pinupudpod nmin sa ibabaw ng champorado tapos kakainin nmin yon ng hindi hinahalo. Hmmm masarap talaga. Isa lang ang hindi ko masakyan hanggang ngayon, iyon yung champorado na pinaparesan ng isdang tuyo na alam kong marami sa inyo na ito ang pinagpapareha.

Paglipas ng ilan pang kwentuhan, isa pa itong eksayting na tanong ko sa kanila. Itatanong ko na din sa inyong mga nagbabasa.

 "Naalala nyo pa ba yung free na chikadiz sa chiskerls?"

Si Macoy napaisip pa, pero natuwa talaga ako kasi pare-pareho kaming naalala pa iyon. O hindi mo maalala? Hindi ko din maalala iyong pangalan ng chiskerls na iyon, pero ang nasa alaala ko nasa paketeng asul at minsan pula iyon. Pero ang eksayting nga doon para sa aming mga bata noon ay iyong free na "chikadiz". Eto iyong maliit na makulay na goma, parang jelly at pa igloo ang korte. Pagibinaligtad mo ang porma at kasunod ay bibitawan ng biglaan tatalbog iyon. Heheh ang simple ng katuwaan nmin noh?.

Isa pang ipinaalala ko ay iyong tao-tauhan, minsan monster o dragon pa iyon. Jelly color din iyon na gawa sa goma. Ang sabi ng tindero kapag ibinabad iyon ng magdamag sa tubig kinabukasan lalaki ito. At para mas epektib iyong "marketing" niya, mayroong planggana na may tubig sa tabi niya. Nakalublob duon iyong tao-tauhan na aba malaki nga. At salamat kay kuya Rey nalaman ko na ngayon na yung mga ganun pla sa planggana ng tindero ay ibinabad na talaga ng ganoon kalaki. (loser).

At ang isang haylayt ng "dating-daan" nmin... humawak muna kayo sa kinauupuan niyo lalo na kung nasa edad 20-40 kayo. Sigorado kasi na ang bawat isa sa atin ay nag-alaga ng "kisses". "Alaga" kasi padadamihin mo iyon. Ilalagay mo sa bulak para manganak ng maradi. At kung gahaman ka sa pagdami ng alaga mong kisses, may teknik pa na pupolbohan mo iyong mga iyon bago ibalot sa bulak. Hindi ko lang talaga alam kung nanganganak nga ba talaga iyong mga kisses ko kasi sa sobrang dami noon hindi ko mabigyan ng oras na bilangin pa iyon. Pero sige parin ako sa pagsakay sa mga ritwal na paglalagay sa bulak.

Dumako nman kami sa larong kalye. Ngayon kasi series ng manga magazine ang sinusubaybayan ng mga kabataan. Noon iyong "text" de-numero iyon pagnapagsunod sunod mo ang bilang magkakaroon ka ng libreng kwento tungkol sa "now showing" sa mga sinehan. Kadamaikling scene nina sharon at rudy susubaybayan mo na parang komiks. Pero 'di ganoon kadaling kumpletohin iyon. Kailangan mong ilaban ng pitik sa kalye iyong mismo mong text para mapadami iyon.  Malas mo kung ibang pelikula ang naibigay sayo ng kalaro mo, heheh.

At ang sad ending ng isa pang laruan ay ito. Ang dating pagulong-gulong sa kalsada o sa sahig ng bahay niyo na "jolens" ay iniimbak nlang sa magagarang plorera ngayon kasama ng bulaklak. Ito na ang nagsisilbing lupa at pandagdag palamuti sa salas niyo. Eh dati pag nakita iyon ng nanay mong nakabalandra sa salas  eh binti mo ang mapapalamutian ng nanay mo dahil sa palo ng tingting.

Pang huling isasalo ko sa inyo mula sa aming kwentong dating daan: Slumbook turned  Friendster. Dati matindi ang eksaytment na hulaan kung sino nga ba sa inyo ang crush ng pinaka gwapo na pinag-sagot mo sa slumbook mo. Basta sa tanung na describe him/her? ang nakasagot eh: with fair complexion, kahit sobra ka sa itim kikiligin ka pa din kasi may mataas ang lebel ng fighting spirit mo na kasama ka sa fair complexion skin. Ngayon sa friendster hulaan mo nlang sa 6 na featured friends nya kung sinu doon dahil malamang sa hindi naroon iyon. Tapos ang pinakaaabangan mong pahina sa Slumbook ay ang "dedication". Yeeheeeee for sure may 14344 doon iyong mga nagkakagustuhan at sabay e-wiwish mo pa na sana hindi iyon ma-decode ng kaeskwela mo(bwahahah)(u wish!). Sa bagong teknolohiya ngayon literal na "twinkle in your eyes" ang makikita mo dahil sa testimonial o guestbook ng inteernet account mo mayroong glitter text na nagsasabing "I miss u, love u, mwah-mwah, hugsss"...


Siguro ang mga kabataan ngayon malaki ang bilib sa teknolohiya at globalisasyon, dahil inangat sila nito sa lipunan at nailigtas sa "jologs" na gawi namin noon. Pero sa lahat ng mga pinagdaanan nmin noon masasabi ko na naging napakasaya ng kabataan ko. Kinabahan ako sa maraming posibilidad na pagagalitan ako ng magulang ko dala ng kyoryosidad, pinawisan at napagod sa paghahanap ng ibat ibang natatanging kulay ng kisses , umiyak dahil sa pagbaligtad ng kuya ko ngchikadiz sa pusod ko at dumikit sa loob ng pusod iyong itim na dumi ng goma, nasugatan sa kagat ng aso dahil sa larong kalye at wala pa nmang glutathione soap noong araw kaya magpahanggang ngayon may iniwang marka ng katangahan ang kagat na iyon sa kaliwang binti ko.. Pero hindi iyon naging kakulangan para lalo akong tumibay, maging madiskarte at matiisin at gumandang matagumpay. Heheh.


Dating daan mo rin ba ito? Kung nabibilang ka sa amin, sige nga ano ang isinagot mo sa tanong ng slumbook na who is your first love? at panu mo binibilang ang text mo?

ALL-LEAVE-ber's


   
 
Twas the night with mt old friends on a free word of "TGIF",,, we lush our selves with fine dine-in(should I call it that way?) of a hmmm?? okay tasty treat at Oliver's Super Sandwiches (loc. at 2f Megamall bldg.A), where we had our unfair share of unwanted organic creature( maybe b'coz of the vegies included into the bacon sandwich). Anyway, damage has been done and with guilt in my self now that we did not bother to inform the service crew about that tingy. Okay it's more acceptable and maybe less ewee than those that the fear factor sixtig had eaten on their challenges, lol. But what about the review over the net that goes: Oliver's Super Sandwiches offer a clean and healthy lifestyle in dining with a wide range of wholesome product choice from inspired sandwiches to tempting baked potatoes, pastas and freshly made salads.


After almost an hour of the side bar knick-knacks over our platers and of course "pictorial", which is one great part of this get together thing. We walk our feet door-to-door doing window shopping (my hatest part). Getting my eyes soak over the guy-to-wear stuff. Oh well, it's the guy thing matters then since I am with male friends. Them, getting my opinion doesn't trouble me at all, since I love doing match making of people and d'stuff. But a long walk surely bothers me b'coz of my condition (what else but health issues).

Thank God the mall sent a feel of near to closing time. Major lights were turned off, some store closes their doors and people became in a hurry mode. Heheh, well we can't hurry-up. I'm not good in the application of the word R-U-S-H! Kuya Rey was even holding both my side shoulder while we get-in down the escalator as if he was carrying the whole of my weight.  So for me not to really spoil their night, getting their eyes on me somehow could also feel my aura, "tired" as I am. I ask them if we could at least seat at the open donut shop for a while just to get back some air.

A set of hot chocolate and two pancake donuts was serve to each of us (one at a time). Sweet, lushious and really smell delicious. One thing is not in place. The theme of our meal, it's soo soo "good morning dear".  Heheh..  But still it doesn't spoil our night. We had a good last chitchats until we head our way home and give each other a mwah! mwah! beso...

The end.  No, here's some part of our cutest and remarkable kwentuhan. (click the link).