Translate

Sunday, November 09, 2008

PILI


Paano nga ba talikuran ang isang
tulad mo
Na sa kahit anung pagkakataon
ay nariyan
Ikaw na siyang sumalo ng ako'y
unang saktan ng pag-ibig
Iniwan niya kong tila kinapos
sa pagpapala
Ngunit nariyan init mong laging
naipadarama sa akin
Buka ng labi mong nagaayang
makalimot
Ligaya at pag-asa dala mo sa
akin
Humihigpit na kapit sa 'yong
namamasang katawan
h'wag sanang mangyari bigla na
lamang dumulas sa 'king palad
Pagkat ang tulad mo'y kailangan ko
higit pa sa lamig ng gabi
Datapwat ganito yaring nadarama
para sa'yo
Lagi na lamang tangka ko'y limutin
at iwan ka
Pero sa sandaling pagtalikod ay
masasaktang muli
At tulad ng dati ikaw at ikaw din
ang tatakbuhan
Sa ligaya, luha ko at tagumpay
Wala kang piniling oras, ikaw ay laging
nakaramay
Tatalikuran ka nga ba o magpapaubaya
na lamang sa'yo
Ikaw nga ba'y kapalaran o iisa ating espiritu














San Mig Light kung ako'y para sa'yo
IKaMPaY Mo!

3/29

No comments: