BIERNES bago ang tanghalian umalis siya sa bahay na tinutuluyan ko. Nangako nman siyang babalik din kinabukasan. Pagdating ng Sabado bago magtanghalian naghanda ako ng makakain kabilang siya sa dami niyon. Pagdating ng alas-3 nakatanggap ako ng text mula sa kanya, malalate ng anunsiyo iyong inaantay niyang resulta patugkol sa trabaho. Kaya inisip ko nlang na sa gabihan maghahanda ako ng masarap na ulam. ‘Yung sabi niya noon masarap daw ang pagkakaluto ko. Nilaga.
Alas-8 ng gabi nauna na akong kumain, nanood ng tv – nagpalipas…
Alas-9 pasado nagtext siya. Iyog “jowa” daw niya (running for 2 weeks I guess) nag-aayang makipagkita sa kanya pagkatapos ng inaasikaso niya sa trabaho.
“Next time nlang yan, umuwi ka nlang dito kasi mejo inaantok na din ako.. pero kwentuhan mo muna ako sa nangyari sa buong araw mo..”
iyan sana ang irereply ko sa text niya. Pero ang pinarating kong mensahe sa kanya…
“ikaw ang bahala”
Isang oras muli ang lumipas, wala nman siyang na-i-text na tumuloy siya sa pagkikita nila. Sumunod may natanggap akong text..
“pauwi na ko dyan”.
Nanatili ako sa harap ng tv, nanonood. Siguro pagkalipas ng limang minuto tumunog muli yung cellphone ko.
“pasensya na wala kasing dumadaang jeep (sa Ayala Ave.) uuwi nlang ako sa amin late na din kc.”
Sumunod…
“nakasakay na ‘ko ng bus pauwi sa ‘min. tawag ako jan pagdating samin”.
Sumama talaga ang loob ko. Madami akong naisip na bagay. Pero hindi ko nman na i-tinext iyon sa kanya. Sabi ko nlang sa sarili ko sana ‘wag nlang siyang tumawag kasi ayaw ko siyang makausap. Hindi ko rin nman talaga masasabi kung gaano ako nalungkot ng mga oras na iyon… Aba! Hindi nga tumawag.
Linggo.
Nag-text siya, nagtatanong kung bakit walang sumasagot ng telepono sa bahay. Buti nlang wala talaga ako ng oras na iyon sa bahay. Nasa Greenbelt ako dumaan ako doon para dumalo ng panghuling misa sa umagang iyon bago tumulak pauwi sa probinsya.
Dalawang lingo ang nakalipas… mahaba na iyon para hindi kami mag-usap, mag-txt mag-email o magkita. Minsan tatawag siya sa bahay pero yung isa kong kaibigan ang ipapakausap ko sa kanya. Sa tono nman ng boses ko sa tuwing ako ang nakasasagot ng tawag nakukubli din sa mga tinig na may pagtatampo ako.
Dalawang lingo nga ang lumipas. Nagkita kaming muli. Nagpunta siya sa bahay, nagover-night dalawa o tatlong gabi. Okey nman kami balik sa mga nakasanayan ng ginagawa. Parang walang nangyari. Nakalimutan ko na rin kasi talaga yung feeling of disappoinment tungkol sa nangyari dalawang lingo na ang nakalipas. Pero siyempre naaalala ko pa rin. At ang totoo ako ang nagpapunta sa kanya sa bahay para dumalaw.
Linggo ulit, nakatakda akong umuwi sa probinsya. Umagang umalis yung isa naming kaibgan. Kaming dalaw naghanda na rin, nagpapasama ako sa kanya sa Greenbelt. Ang sabi ko magggrocery lang kami doon. May mas mahalaga akong ginawa ng mga sumunod na oras kaya naantala ang pagalis namin. Pero aalis pa din kami nagpalipas lang kami ng kaunting sandali.
Bago mag alas-5 gumayak kaming muli. Aalis na talaga kami. Tinanong ko siya kung sasamahan pa ba niya ako sa Greenbelt, tutal meron nmang MRT station o Ayala Ave. na mas magiging kumportable sa kanya pauwi sa kanila. Sabi niya hindi nlang daw para makapagpahinga na din siya dahil maypasok siya kinabukasan (ng alas-9 ng gabi). Ako, hindi na din tumuloy sa Greenbelt. Ang totoo dadalo sana ako doon ng misa at gusto ko siyang isama. Yung maliit na kapilya doon kasing edad ko iyon ( walang koneksyon). Maluwag ang loob ko kapag naroon ako at sumasaya ako sa simpleng presensya ng kapaligiran. Ang gusto ko sana ibahagi yung feeling na iyon sa kanya. Alam ko sa oras na iyon kailangan niya iyon.Hindi ko sinabi yung dahilan ko dahil makailang beses ko na talaga siyang inaayang magsimba pero talagang hindi niya panata iyon. Kaya tumuloy nlang ako sa simbahan sa may plaza malapit sa bahay, doon ako dumalo ng misa.
Pagkatapos ng misa dumaan ako saglit sa botika para sa iilang gamot (hindi rin kasi mabuti ang pakiramdam ko ilang araw na rin) at bumalik na din ako sa bahay.
Alas-9 pasado nasa bahay pa din ako sa Makati. May inaantay ako bago ako tuluyangumuwi sa probinsya. Hindi ko nman maitext (nagtumbling kc kamakailan lang yung mobile phone ko, now im using a strange phone), kaya naisip ko na siya ang tawagan para hingan ng pabor. Nakalimutan ko ang landline number sa bahay nila (wala rin akong kopya), sinubukan kong patunugin yung cellphone niya baka sakaling maisipan niyang tumawag. Paglipas ng ilang minuto nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.
“tumatawag ka? May prob ba? Nandito ako sa Boni nagvvijoke kami …”
Hindi ko na siya sinubukang tawagan, yung kuya ko nlang ang hiningian ko ng pabor.( may mga sumunod pang detalye..)
Ikaw? Nakukuha mo ba ang nararamdaman ko nung mga ors na iyon?
Nung isang lingo nagtatanung yung isa naming kaibigan kung bakit may tampo ako sa kanya. Ang sagot ko nlang sa kanya..
“kung mag ‘jowa’ kami matagal na kaming split. But in our case we’re friends”. (Magkaibigan kami)
Ang pagkakaibigan walang tinatawag na break-up. Walang cool-off. Hindi mo din masasabing “I had enough”.
Ang pagkakaibigan para sa akin walang katapusan. Araw-araw may bukas para sa inyo masaya o malungkot ang pwede mo lang gawin tanggapin, unawain at saluhan siya. Kung may dapat ayusin parang “automatic” inaayos niyo. Wala nga kasing divorse o annulment dito, kahit counseling walang gagawa niyan. Wala kayong pinirmahang papel ng kasunduan o pinagpalitang kandila.
At ang sa akin, ang meron lang ako “pusong kaibigan”.
Tanong ko nlang “deserving ba ako?’. Dapat ba sa akin nangyayari ito. Yung bang sampal talaga sa iyo na “taken for granted” ka. Hanggang saan ba yung worth ko?
Don’t Sweat the Small Stuff. Ito iyong librong binbasa ko sa ngayon, sinulat ni Richard Carlson. Nakakatulong talaga ito sa ngayon. “Will This Matter Years From Now?” isa iyan sa topic ng libro. Marami akong iniisip na positive at importanteng detalye sa buhay ko na talaga nmang makabuluhan “a year from now”, kesa sa damdamin ko ng husto ang sakit na dinulot nung ganoong pangyayari. A year from now I know we’re still friends. At ang mahalaga nandito lang ako kapag kailangan niya ako o kahit sino pa sa mga kaibigan ko. Kahit nman maging imposible pa sila, bukas paggising mo hindi mo nman sila matatawag na “X’ mo, ang sasabihin mo pa rin sa sarili mo…
“Iyang kaibigan ko talaga……..”
tinikyzda 081808
“iyang kaibigan ko”
No comments:
Post a Comment